64 SISIBAKING BoC PERSONNEL IPINATAWAG NI DU3O

customs55

(NI BETH JULIAN)

HAHARAP sa Lunes kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang ang nasa 64 na personnel ng Bureau of Customs (BoC) na kanyang sisibakin dahil sa corruption.

Ayon sa Pangulo, ipinatawag niya sa Malacanang ang mga Customs personnel para malaman ang kanilang panig kaugnay sa isyu ng kurapsyon sa ahensya.

“I will be dismissing something like 64 Customs officials. In the meantime that the cases are being heard, in obedience with the rule of the right to be heard, I want [them] to be here in Malacanang,” wika ni Duterte.

Unang nang ipinahayag ng Pangulo na kakasuhan ang mga sangkot sa BoC personnel pero kalaunan ay nagbigay ito ng kondisyon na maaari silang maabsuwelto kung magbibitiw sa puwesto ang mga ito.

Hinikayat din ng Pangulo ang 64 na makabubuting magbitiw na lang sa pwesto o harapin ang karampatang kasong isasampa laban sa kanila.

Ipinaubaya na ng Pangulo sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa 64 Customs personnel.

“Ombudsman ang nakaatas sa paglilitis sa mga tiwaling opisyal dahil sila ang mayroong prosecutorial powers kaya sila na ang bahala,” wika ng Pangulo.

 

147

Related posts

Leave a Comment