67 NASAGIP SA TUMAOB NA BANGKA SA SAMAR

UMAKYAT na sa 67 katao ang iniulat na nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard mula sa tumaob na motor banca sa karagatan sakop ng Barangay Pilar, bayan ng San Antonio, sa Northern Samar.

Ayon sa PCG, ligtas ang 67 sakay ng Jovelle Express 3, kung saan kabilang ang 60 pasahero at pitong crew at may kargang 15 kahon ng assorted na isda.

Galing ang bangka sa Victoria, Northern Samar at magbababa sana ng pasahero sa San Vicente nang masabat ng malalaking alon at malakas na hangin na naging dahilan ng pagkasira ng hulihang bahagi ng passenger vessel.

May bumagsak umano sa kaliwang bahagi ng bangka na siyang naging dahilan nang pagtagilid at pagtaob nito.

Sa parteng Bisaya pa rin, may pitong mangingisda ang nasagip din mula sa tumaob na fishing vessel sa Jintotolo Island sa Masbate.

Ayon sa ulat ng mga awtoridad, inabot ng dalawang oras ang isinagawang rescue operation.

(JESSE KABEL RUIZ)

153

Related posts

Leave a Comment