(NI DAHLIA S. ANIN)
IKINATUWA ng Department of Tourism (DOT) paglago ng turismo sa kabila ng pagpapasara sa pangunahing dinarayo ng mga turista – ang Boracay,
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Nasorpresa umano si Puyat sa pagdami ng turista, domestic man at foreigner kahit na sumailalim sa rehabilitasyon ang pinaka pamosong tourist destination sa bansa.
Lomobo sa 7.1 million ang turista kumpara sa 6.6 million noong 2017.
Tumaas din ang bilang ng mga nagkaroon ng trabaho dahil sa turismo mula sa 5.3 million na ngayon ay 5.4 million na.
Labis na ikinatuwa ni Puyat ang pagdami ng domestic tourist arrival sa bansa.
Pinagpapasalamat din ni Puyat sa mga Pinoy na nagpopost sa kanilang social media account ng tungkol sa kanilang bakasyon na isa sa naging daan upang mas mai-promote pa ang isang lugar.
Maliban sa promotion na ginagawa ng ilan, ipinakakita rin sa mga post na ligtas nang mamasyal at maganda ang security taliwas sa iniisip ng iba na delikado ang mamasyal sa bansa.
Malaki rin umano ang naging tulong ng isinagawang crowdsourcing ng ahensya, kung saan nagpapaalam silang i-repost ang mga videos at pictures na pumupuri sa ganda ng mga tourist destination sa bansa mula sa taong nagpost nito na pumapayag naman upang mas maipakita kung gaano kaganda ang Pilipinas. Aminado si Puyat na isa siyang avid user ng social media partikular na ang Instagram.
Isa rin umano sa advantage ng paggamit ng social media ay madaling nairereport sa kanya ang mga violation sa tourism regulation.
140