7 KOMPANYA, 3 INDIBIDWAL KINASUHAN NG TAX EVASION

bir18

(NI ALAIN AJERO)

KINASUHAN ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR)-Caloocan City sa Department of Justice ang tatlong indibidwal at pitong korporasyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 2011 hanggang 2015 na aabot sa P755 milyon.

Ang tatlong mga inireklamong indibidwal ay sina Manuel Espiritu, Armando David Lagamson at Ma. Reztiliza N. Sosa samantalang ang pitong korporasyon ay ang Taoyuan Textile Manufacturing Corp., Primekit MFG. Corp., Spinmaster Textile Manufacturing Corp., Bicol Apparel Corp., Nature’s Best Agri Foods Corp., Amhran Trading Corp., at Innovative Technology & Environmental Solution.

Batay sa mga record ng BIR, ang mga kinasuhan ay sinilbihan ng mga kinakailangang dokumento para sa assessment ng kanilang mga buwis at ilan sa mga ito ang Letter of Authority, Preliminary Assessment Notice and Final Decision on Disputed Assessments.

Hindi pa rin nagbayad ang mga kinasuhan o nagpasa ng pangsuportang dokumento para tutulan ang mga nasabing assessment sa kabila ng mga paalala kaya’t ang mga assessment ay naging pinal at nararapat ipatupad at singilin.

Ang kabiguan at patuloy na pagtutol na magbayad ng mga kinasuhan ng kanilang matagal nang dapat binayarang kakulangan sa buwis, sa kabila ng paulit-ulit na mga kahilingan ay nangangahulugang sinasadya nilang hindi magbayad ng buwis sa pamahalaan, ayon sa BIR.

354

Related posts

Leave a Comment