76% NA ANG CONTACT TRACING ABILITY SA NCR – DILG

NASA 76% na ang contact tracing ability ng National Capital Region sa mga posibleng infected ng COVID-19.

“Sa tracing po natin, ang overall natin ay maganda na, umabot na tayo sa 96%, ‘yung tinatawag na contact tracing ability. Dito po sa Metro Manila, nasa 76% po tayo,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa Laging Handa public briefing.

“Ano po ang ibig sabihin noon? Ang ibig sabihin noon ay sa 100 na positive, mayroon pa po tayong hindi nate-trace na 24% at ito po ay kailangan nating pag-ibayuhing mahanap,” dagdag na pahayag ni Sec. Año.

Naniniwala ang Kalihim na ang contact tracing sa Metro Manila ay nag-improve.

Iyon nga lamang, iginiit nito na ang quarantine protocols ay kailangan na nakaayos na upang mapigilan ang paglaganap o pagkalat ng COVID-19.

“Malaking improvement ang ating contact tracing. Because of contact tracing, nag-improve ‘yung ating sitwasyon… Pero ganoon pa man, kailangan pa rin natin ang kondisyon ng quarantine para sigurado na hindi malipat sa iba ang virus,” ayon kay Sec. Año.

Ang Metro Manila ay inalis na sa modified enhanced community quarantine at isinailalim sa general community quarantine, na ang ibig sabihin ay maraming industriya ang binuksan sa publiko at maging ang availability ng limited mass transportation para sa mga mananakay. CHRISTIAN DALE

71

Related posts

Leave a Comment