(NI BERNARD TAGUINOD)
MAGKAKAROON ng walong bagong roll on-roll off o RORO ports sa bansa na inaasahang magpapalibis sa pagbiyahe, hindi lamang ng mga tao kundi sa mga produkto sa mga merkado.
Ito ang napag-alaman kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng pagsigla muli ng kanyang pet projects noong pangulo pa ito ng bansa subalit tumamlay noong mawala ito sa kanyang puwesto.
“I am glad that the MARINA (Maritime Industry Authority) is working towards supporting the growth of trade and greater connectivity in the country. These new missionary routes will increase the efficiency of transportation and shipping which will ultimately spur growth in the regions,” ani Arroyo.
Unang inilatag ng Marina sa pamamagitan ng Officer in charge ng ahensya na si Vice Admiral Narciso Vingson Jr., sa House oversight committee ang mga bagong RORO missionary routes na hiniling ni Arroyo upang mapabilis ang pagbiyahe at paggalaw ng mga produkto sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Kabilang na rito ang Daanbantayan, Cebu patungong Calbayog City, Samar; Tabuelan, Cebu papunta Ajuy, Iloilo; Laoay, Bohol – Cagayan de Oro; San Juan, Batangas- Calapan, Oriental Mindoro; Iloilo City- Cuyo, Palawan; San Pascual, Burias Island, Masbate- Pasacao, Camarines Sur; San Andres, Quezon- Pasacao, Camarines Sur at Lucena, Quezon tungo San Fernando, Cebu.
Noong Enero ay 19 roro missionary routes ang binuksan ng Marina at maraming shipping operators at interasado na mag-operate sa unang 7 RORO points na bubuksan.
Ang natitirang 12 missionary routes na binuksan na mga shipping operators ay ang . Basco, Batanes – Currimao, Ilocos Norte; San Juan, Batangas – Abra de Ilog, Occidental Mindoro; Real, Quezon – Polillo Island, Quezon; Lucena, Quezon – Buyabod, Marinduque; Pantao, Albay – San Pascual, Masbate; Calbayog City, Samar – Cataingan, Masbate; Cuyo, Palawan – San Jose de Buenavista, Antique; Oslob, Cebu – Dumaguete, Negros Oriental; Punta Engano, Mactan Island, Cebu – Jetafe, Bohol; Poro, Camotes, Cebu – Isabel, Leyte; Lipata, Surigao del Norte – Dapa, Surigao del Norte at Siaton, Negros Oriental – Dipolog City.
157