(NI BERNARD TAGUINOD)
NAGLULUKSA ang organisasyon ng mga public school teachers sa Kamara dahil walo umano sa mga kasamahan sa hanapbuhay ang kasama sa mga 31 katao na namatay na lumubog ang bangka ng mga ito sa Guimaras at Iloilo Strait.
“We extend our deepest condolences to the families and friends of the victims in the Iloilo Strait pumpboat accidents,” ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro.
Nabatid kay Castro na kasama sa mga nasawi sina George Betita Buenavista, guro sa Agcuyawan Calsada Elementary School, Maria Emilie Legarda, Ivy Grace Labordo, Ma. Zeny Anilao at Lynlyn Janolino na pawang nagtuturo naman sa Lambunao National High School sa Lambunao, Iloilo.
Tatlo naman sa mga nasawi na sina Jaquelyn Alferez, Andrew Valenzuela at Eden Perales ay mga Filipino teachers naman sa United Arab Emirates na nagbabakasyon lang sa bansa.
“The five teachers from Iloilo were taking a master’s degree in Guimaras State College and were in Guimaras to process their comprehensive examination applications,” ani Castro.
Dahil dito, nanawagan ang mambabatas sa mga otoridad na tiyaking huwag nang maulit ang nasabing insidente at tiyaking ligtas ang lahat ng mga naglalakbay sa karagatan.
Kailangang siguraduhin aniya ng lahat ng ahensya ng gobyerno kasama ang local government units (LGUs) na maayos ang panahon bago payagan ang mga sasakyang pandagat na maglayag dahil hindi biro ang ganitong uri ng aksidente.
174