80 NARCO-POLITICIANS ILALANTAD BAGO ANG ELEKSIYON

cocaine22

(NI JESSE KABEL)

NANINDIGAN si Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na hawak nila ang 80 pangalan sa listahan ng mga sinasabing narco-politicians sa bansa at handa na nila itong ibulgar sa publiko bago ang midterm elections sa Mayo.

Nangangamba rin ang ahensiya sa posibleng pagbaha ng drug money para gamitin sa pangangampanya at pagbili ng boto.

Kasabay nito, mahigpit na ipinag-utos ni Ano sa lahat ng security forces ng gobyerno na paigtingin pa ang giyera kontra iligal na droga lalo na ngayong nalalapit na ang midterm election.

Magugunitang mismo si Año ang nagnanais na ilantad ang narco list para maging patnubay ng mga botante sa darating na eleksiyon.

Gayunman, lubos ang pag-iingat ng ahensiya sa imbestigasyong at pagmomonitor sa kilos ng mga politikong nasa listahan bago ito ilabas sa publiko.

 

303

Related posts

Leave a Comment