80% NG GAMOT, BAKUNA MAPUPUNTA SA PROBINSIYA SA 2020

(NI DANG SAMSON-GARCIA)

DAPAT lamang na mapunta sa mga lalawigan ang malaking bahagi ng bibilhing mga gamot at bakuna para sa taong 2020.

Ito ang pagkatig ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilaan ang 80% ng P19.1 halaga ng gamot at bakuna na bibilhin sa 2020 sa mga lalawigan.

Nakapaloob ang “purchase order” sa 36-pahinang Budget Message para sa 2020 bilang cover letter sa proposed P4.1 trillion 2020 national budget.

“By adopting this new distribution formula, government is saying that it has learned its lesson and that there will no longer be a repeat of drugs spoiling in Department of Health (DoH) warehouses,” saad ni Recto.

“Kung ang gamot ay dapat fast-acting, ganoon din dapat ang distribution nito. This rule in dispensing drugs is as old as the proverb ‘Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?,” diin pa nito.

Naniniwala si Recto na mababawasan ang personal na gastusin ng mamamayan kung mas marami ang gamot sa medicine cabinet ng gobyerno.

Binigyang-diin ng senador na noong 2017, umabot sa P187 bilyon ang gastos ng mga Filipino households sa gamot.

Kasabay nito, pinaalalahan ni Recto ang Department of Health na dapat agarang ipamahagi ang mga stock na gamot upang hindi na maabutan ng expiration.

“They should do it now, because drug spoilage is not a blockbuster movie that merits sequels,” diin ni Recto.

159

Related posts

Leave a Comment