800K CONTRACTUAL EMPLOYEES SA GOBYERNO NGANGA

worker500

(NI BERNARD TAGUINOD)

MANANATILING contractual employees ang may 800,000 manggagawa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno dahil walang inilaang pondo ang Duterte administration para sa kanilang regularization ngayong 2019.

Ito ang ipinagbuburyong ni ACT party-list Rep. Antonio Tinio kaugnay ng ipinasang 2019 national budget at nakatakdang lagdaan ito anumang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“No substantial increases in salary been provided for the civilian bureaucracy, nor for the regularization of over 800,000 contractuals working for government (sa 2019 national budget)” ani Tinio kaya dismayado ito.

Ayon kay Tinio, matagal na nilang inilalaban na gawing regular na ang contractual employees na ito sa mga ahensya ng gobyerno kaya iginiit nila na pondohan na ito sa 2019 national budget subalit nananatiling bingi aniya anga economic managers ni Duterte.

Nakakahiya, ayon kay Tinio, dahil habang inoobliga aniya ng pamahalaan ang mga pribadong kumpanya na iregular ang kanilang mga empleyado ay ayaw pansinin ng mga ito ang mga contractual employees sa kanilang bakuran.

Tulad ng mga endo employees sa mga pribadong sektor, walang benepisyo ang mga contractual employees sa gobyerno at napakababa aniya ang sinasahod ng mga ito kaya nais ng grupo ni Tinio na iregular na ang mga ito.

Karaniwang Salary Grade (SG) 1( P11,068) at SG 2 (P11,761) ang sahod ng mga contractual employees sa gobyerno at mas mababa dito ang mga job order (JO) employees at walang benepisyo hindi tulad ng mga regular employees ng buruktrasya.

“What’s worse, over P13 billion  was a slashed from the budget for personnel benefits,” ayon pa sa mambabatas kaya bawas din umano ang benepisyo ng regular employees ng gobyerno ngayong taon.

 

477

Related posts

Leave a Comment