9-PIECE PPE SET PARA SA FRONTLINERS, IPRINISINTA NG DBM

IPINAKITA sa publiko ni Department of Budget Management Usec. Lloyd Christopher Lao ang 9-piece PPE set na binili ng pamahalaan para sa frontliners.

Sa public address ni Pangulong Duterte, ngayong Martes, ay sinabi ni Lao na ang ‘most expensive item’ sa mga set ay ang “Ebola-level” suit, na maaaring mapigil maging ang air transmissible viruses.

Ang coverall ay isa ring heat-sealed, na aniya ay kahalintulad ng ginagamit sa ibang bansa maliban sa South Korea.

Ang heat-sealed coverall, ayon kay Lao, ay nag-aalok ng ‘better protection’ dahil napipigil nito ang tubig na ma-absorb ng tela o ng balat ng tao.

Ang ganitong uri ng coverall, sa kabilang dako ay mas expensive ng P1,100,00 kumpara sa locally made na ang presyo ay P850.

Sinabi rin ni Lao na ang local producers ay magsisimula nang gumawa ng PPEs gamit ang mga materyales mula China.

Noong nakaraang linggo, piniga ng Senado ang DOH at DBM hinggil sa di umano’y iregularidad sa pagbili ng PPEs para sa frontliners, at maging ang alegasyon na ang COVID-19 testing machines at kits na binili ng pamahalaan ay overpriced. CHRISTIAN DALE

61

Related posts

Leave a Comment