900 PULIS SA BANSA, OBESE – PNP

NASA 900 na pulis sa bansa ang ikinukonsiderang obese o “hebigat” ang kanilang pangangatawan.

Ito ang lumabas sa datos ng pambansang pulisya, pero ayon sa tagapagsalita na si Police Brigadier General Bernard Banac, maliit na porsyento lamang ito sa kabuuan ng kanilang hanay.

Sa katunayan ani Banac, limampu’t apat na porsyento umano ng kanilang personnel ang mayroong normal na timbang.

Habang nasa tatlumpu’t anim na porsyento naman aniya ang mga overweight o lumagpas sa tamang timbang na akma para sa kanilang height o taas.

Kaugnay nito ay patuloy umano ang physical fitness program ng pambansang pulisya at mas pinaigting ang kanilang information campaign patungkol sa mga masustansyang pagkain at tamang pag-e-ehersisyo.

“Mayroon tayong programa ngayon na ating health service, ‘yung information dissemination campaign, ano ang mga tamang kinakain at ‘yung mga healty foods para maiwasan nga po talaga yung biglaang pagbigat ng mga pulis natin ng kanilang timbang,” ani Banac.

Hindi naman nabanggit ng tagapagsalita kung kasama sa listahan ng 900 obese ang Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Police Brigadier General Debold Sinas at Southern Police District (SPD) Director Brigadier General Nolasco Bathan. (JG Tumbado)

174

Related posts

Leave a Comment