ABOGADO DINISBAR NG SC

sc

(NI HARVEY PEREZ)

IDINISBAR  ng Supreme Court En Banc  ang isang abogado matapos magreklamo ang kanyang kliyenteng Singaporean national  nang hindi i-remit  ang  P250,000 settlement agreement .

Ayon sa SC , si Atty. Jude Francis V. Zambranosa ay lumabag sa  Rules 1.01, 16.01, at 16.03 ng  Code of Professional Responsibility  (CPR).

Nabatid din sa 8-pahinang curiam decision, inatasan ng SC na tanggalin ang pangalan ni   Zambrano sa  Roll of Attorneys.

Bukod pa sa inatasan ng SC si   Zambrano na kaagad bayaran ang complainant na si   Diwei ‘Bryan’ Huang, ang kabuuang   P250,000 na may  6 porsiyentong interest mula sa  finality ng desisyon hanggang  maibigay ito ng buo  at magsumite ng proof of payment sa loob ng 10 araw matapos na makabayad.

Base sa  Rule 1.01 ng   CPR  “A lawyer shall not engage in unlawful, dishonest, immoral, or deceitful conduct.”

Habang sa  CPR  Rule 16.01  “A lawyer shall account for all money or property collected or received for or from the client,”  at saRule 16.03  “A lawyer shall deliver the funds and property of his client when due or upon demand….”
Binalewala umano ni Zambrano ang paulit-ulit na demand ng kanyang kliyente na ideposito sa kanyang account ang pera.

Sa court  records, noong Oktubre 2014 ay kinuha ni Huang, ang serbisyo ni Zambrano sa halagang P50,000 para sa maghain ng kasong estafa laban sa ilang indibiduwal sa Pasig Prosecutors Office.

Sanhi na malimit na wala sa bansa ,ang komunikasyon nila ni Zambrano ay malimit na sa Facebook at e-mail ginagawa.

Nalaman na noong Enero 2015, ipinaalam ni Huang na ang kanyang  mga kinasuhan ay handang magbigay ng P250,000 bilang settlements pero nabigo ang abogado na ideposito  o ibigay ito kay Huang.

 

139

Related posts

Leave a Comment