ABS-CBN, KONTRA MANGGAGAWA – BELLO

INILABAS na ni Secretary Silvestre Bello III ang rekord ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagsasabing maraming paglabag sa batas-paggawa at mga alituntunin sa pagpapatrabaho ang ABS-CBN Broadcasting Corporation (ABS-CBN) na pag-aari ng pamilya Lopez ng Iloilo.

Idiniin ni Bello na mayroong 67 kaso ng paglabag sa iba’t ibang probisyon ng batas-paggawa ang pumasok at nakabinbin hangang ngayon sa National Labor Relations Commission (NLRC) at iba pang korte.

Ito ang unang pagkakataong naglabas ng ‘opisyal’ na pahayag si Bello hinggil sa posisyon ng ABS-CBN na kawawa ang mahigit 11,000 manggagawa nito at kanilang mga pamilya kapag hindi binigyan ng panibagong 25-taong prangkisa ang Kapamilya Network.

Matatandaang simula Pebrero ng kasalukuyang taon ay naging agresibo ang pamunuan ng ABS-CBN sa pagwawasiwas at pagkuha ng pinakamalawak na suporta mula sa 110 milyong Filipino, kabilang na ang tinatayang 10 milyong overseas Filipino workers (OFWs), na suportahan ang pananatili ng ABS-CBN ng karagdagang 25 taon sa media at broadcasting industry upang patuloy na makapagtrabaho ang mahigit 11,000 empleyado nito at mapasaya ang mga OFW.

Ngunit, batay sa rekord ng DOLE at Bureau of Internal Revenue (BIR) na nailabas sa media ay wala pang limang libo ang mga empleyado ng ABS-CBN.

Ganyan lang karami ang mga nagtatrabaho sa ABS-CBN na binabawasan ng kumpanyang ito ng kani-kanilang withholding tax na ibinayad sa BIR.

Mayorya sa mga ito ay hindi pa regular, batay sa impormasyong nakuha ng Saksi Ngayon.

Binatikos din ni Bello ang ABS-CBN hinggil sa madalas nitong banggitin sa ibang kumpanya ng media na ang DOLE ay nadiskubre at napatunayan na ang “ABS-CBN [was] compliant with [the Philippine] labor laws and standards, and that we approve of the seasonal work status for the broadcast firm’s program employees.” Kasinungalingan ito, punto ng kalihim.

Aniya: “The facts bear us out. Our labor inspectors found violations of laws and standards by ABS CBN.”

Itinuwid ng ABS-CBN ang mga paglabag sa batas-paggawa at mga alituntunin sa pagpapatrabaho makaraang madiskubre at mapatunayang totoo ang mga ito ng mga inspektor ng DOLE, paglilinaw ni Bello.

Binalaan din ni Bello ang mga abogado ng ABS-CBN sa paglalabas at paggigiit ng mga ito ng “policy issuances” ng DOLE para isulong at ipagtanggol ang kumpanya ng pamilya Lopez.

Idiniin ni Bello na nadiskubre rin ng DOLE na “most detestable the deliberate manner by which Policy Instruction No. 40 issued by the then Labor Minister in 1979 [Blas Ople] was volunteered to the House committee as basis for the work arrangement in ABS-CBN. Misleading as it is, it conveniently leaves the impression that the policy was that of current Labor Secretary Silvestre Bello III.”

Tiniyak ng kalihim na hindi palalampasin ng DOLE ang mga kamalian ng ABS-CBN sa mga manggagawa at paggamit sa nasabing ahensya pabor sa interes, kapakanan at negosyo ng huli upang makumbinsi ang mga kongresista na bigyan sila ng panibagong 25-taong prangkisa. (NELSON S. BADILLA)

74

Related posts

Leave a Comment