ABS-CBN NADALE SA ‘MEGA FRANCHISE’

ISA sa mga ipinapalagay na dahilan kung bakit hindi inaksyunan ng Kongreso simula noong 16th Congress ang aplikasyon ng ABS-CBN Corporation sa kanilang prangkisa ay dahil nais ng mga ito na magkaroon ng “mega franchise”.

Sa kondisyong huwag pangalanan, isang mambabatas na miyembro ng 6th Congress na kabilang ngayon sa 18th Congress, ang nagsabi na nais ng ABS-CBN na isang prangkisa lang ang lahat ng kanilang ino-operate na mga channel.

“Mega franchise ang tingin namin dun sa kanilang renewal application sa kanilang franchise. Hindi naman puwede yun.

Isang channel, isang franchise dapat,” pahayag ng mambabatas sa Saksi Ngayon.

Sa House Bill (HB) 4997 na inakda ni dating Isabela Rep. Giorgiddi Aggabao, imbes na “channel” lamang, inilagay ang panukala ni Aggabao ay kanyang inihain noong Setyembre 11, 2014 kung saan ang Speaker ng Kamara ay si Rep. Feliciano Belmonte Jr., at chairman naman ng House franchise committee si dating congressman at ngayo’y Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro.

Halos ganito rin ang nilalaman ng mga panukalang batas na inihain ng mga mambabatas mula noong 17th hanggang ngayong 18th Congress na itinuring ng ilan na isang “mega franchise”.

Malayo sa Republic Act (RA) 7966 o ABS-CBN franchise na ibinigay sa kanila noong Marso 30, 1995 kung saan nakasaad sa section 1 ng batas o ang “nature and scope of franchise” na  — Subject to the provisions of the Constitution and applicable laws, rules and regulations, the ABS-CBN Broadcasting Corporation, hereunder referred to as the grantee, its successors or assigns, is hereby granted a franchise to construct, operate and maintain, for commercial purposes and in the public interest, television and radio broadcasting stations in and throughout the Philippines, through microwave, satellite or whatever means including the use of any new technologies in television and radio systems, with the corresponding technological auxiliaries or facilities, special broadcast and other broadcast distribution services and relay stations”.

Maging ang FICTAP o Federation of International Cable TV Associates of the Philippines, ay tinutulan ang probisyong ito sa aplikasyon ng ABS-CBN noong 2014 dahil hindi lamang ang Channel 2 ang kinukunan ng isang prangkisa kundi ang lahat ng TV stations ng ABS-CBN corporation.

“One franchise, one channel – ’yun ang ABS-CBN franchise. Ang kaso po, nu’ng nag-apply sila nu’ng 2014… ang nangyari dinagdagan nila ng ‘s’ ‘yung ‘channel’ – channels,” ani FICTAP president Estrellia Juliano-Tamano sa panayam ng GMA 7 kamakalawa. BERNARD TAGUINOD

78

Related posts

Leave a Comment