‘ABSUWELTO’ KAY DU30; MALINIS ANG KONSENSIYA KO! – PANELO

panelo55

(NI HARVEY PEREZ)

PERSONAL na pinasalamatan  ni Presidential Spokeperson Salvador Panelo, si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang idepensa sa kontrobersiyal na naudlot na paglaya ng rapist-killer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

Ikinatuwa ni Panelo na buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa sa kanya ni Duterte.

Una namang sinabi ni Panelo na malinis ang kanyang konsensiya at walang conflict of interest nang ieendorso niya sa Bureau of Customs (BOC) ang sulat para sa paglaya ni Sanchez.

Nabatid na sinabi ni Duterte na walang ginawang masama si Panelo nang magpadala siya ng sulat sa President ng Bureau of Pardons and Parole (BPP) .

“‘Yung ginawa ni Panelo, it’s not his fault na lawyer siya (What Panelo did, it’s not his fault he was their lawyer),” ayon kay Duterte .

“He happens to be there because I appointed him, when (Sanchez family) arrived, he referred them to the proper entity. Panelo did not commit any infraction,” dagdag pa ni Duterte.

Sinabi pa ni Duterte na wala namang ginawang desisyon si Panelo dahil nag- refer lamang ito ng sulat.

Nanindigan si Panelo na hindj siya nakialam pata sa  plea for Executive clemency ni Sanchez.

102

Related posts

Leave a Comment