ACOSTA KAY HONTIVEROS: HINDI IKAW ANG AMO KO!

risa1

(NI TERESA TAVARES)

PUMALAG na si Public Attorney’s Office (PAO) Persida Rueda Acosta sa mga pagtuya at batikos na inaani bunsod ng pagbaba ng bilang ng mga bata na nagpapabakuna.

Binalewala ni Acosta ang hirit ni Senador Risa Hontiveros na magbitiw na siya sa puwesto sa gitna ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon.

Itinuro rin ni Health Secretary Francisco Duque si Acosta na siyang sanhi ng malubhang pinsala sa immunization program ng DOH dahil sa wala umano nitong basehan na akusasyon.

Galit na sinabi ni Acosta na hindi niya amo si Hontiveros upang sundin ang sinabi nito na magbitiw na siya sa tungkulin.

Wala rin aniya siyang balak makipag-usap kay Duque na isa sa inireklamo ng PAO dahil sa Dengvaxia.

Itinanggi rin ng PAO chief na siya ang dahilan kung kaya lumagapak ang immunization rate sa bansa.

Magugunita na ang PAO ang nagsampa ng patong patong na kaso laban sa mga dati at kasalukuyan opisyal ng pamahalaan bunsod ng   kontrobersiyal na Dengvaxia dengue vaccine.

Ani Acosta, pababa na talaga ang vaccination rates bago pa man sinimulan ng PAO ang imbestigasyon sa Dengvaxia.

107

Related posts

Leave a Comment