NABABAHALA na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay, kinakailangan na mapalakas pa ang kanilang pwersa sa pamamagitan ng makabagong kagamitan.
Umaasa aniya sila na magkakaroon ang bansa ng sariling industriya sa paggawa ng mga kagamitang pang-giyera.
Iginiit ni Brawner na sa pamamagitan nito ay hindi na dedepende sa ibang bansa ang Pilipinas kung kinakailangan nito ng mga armas.
Dagdag pa ng opisyal, sana ay mabuhay ang nasabing industriya para sa kapakanan ng depensa ng Pilipinas upang kahit papaano ay may pantapat sa malalakas na pwersa ng ibang bansa.
Muli naman inihayag ni Brawner na walang karapatan ang China na harangin ang pagsasaayos ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Paliwanag ni Brawner, hindi naman pinakialaman ng bansa ang China nang magtayo sila ng artificial islands sa West Philippine Sea.
(JESSE KABEL RUIZ)
158