AFP NAGPASAKLOLO SA MEDIA VS NPA

npa22

(NI AMIHAN SABILLO)

NANAWAGAN si AFP Chief Of Staff Lt. Gen. Noel Clement sa media na tumulong sa kampanya Laban sa New People’s Army (NPA) kung saan binigyang-diin ng heneral na ang problema sa CPP-NPA ay hindi lang problema ng militar, kundi problema ng buong bansa.

Sinabi pa ni Lt. Gen. Clement na ang dahilan bakit nilikha ng Pangulo ang National Task Force to End the local communist armed conflict at ipinatupad ang “whole of nation approach” upang wakasan na ang CPP-NPA.

Sinabi pa ni Lt. Gen. Clement, kung kalaban ng buong bansa ang NPA, lahat ng sektor ay dapat na magkaisa kontra sa kalaban, at kasama na dito ang media.

Nilinaw naman ng Lt. Gen Clement na ang kailangan lang naman gawin ng media ay maging ‘factual’ at patas sa pag-uulat, na hindi pinapaboran ang ginagawa ng mga kalaban.

 

132

Related posts

Leave a Comment