AFP NAGTALAGA NG BAGONG ARMY-CMOR COMMANDER

NAGTALAGA ang Armed Forces of the Philippine ng bagong Army Civil-Military Operations Regiment commander.

Pinangunahan ni Philippine Army commanding, General Lt. Gen Romeo Brawner ang isinagawang change of Command sa Army CMOR Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig, Metro Manila.

Sa pagsalubong sa bagong CMOR commander, naniniwala si Lt. Gen. Brawner na mas higit na mapapalaganap ng hukbong katihan ang kanilang pagseserbisyo sa sambayanan sa ilalim ng pamumuno ni Col. Benjamin ” Benjie” L. Hao.

Pinapurihan din ni Brawner si Col. Marces T. Gayat sa pagsisilbi nito bilang Acting Commander ng CMOR, habang pinamumunuan pa ang Office of Ethical Standards and Public Accountability, CMOR.

“Today, we acknowledge Col. Gayat who has exemplified outstanding leadership in the unit and Col. Hao who is equally a capable and competent leader to command the regiment. To Col. Hao and Col. Gayat, congratulations and good luck on your future endeavors!” ani Lt. Gen. Brawner sa kanyang mensahe.

Si Col. Benjamin L. Hao ay nagsilbi bilang commander ng Task Force Ugnay at Assistant Division Commander (ADC) for Reservist and Retiree Affairs (RRA), na nasa ilalim ng 7th Infantry “Kaugnay” Division.

Si Col. Hao ay nagsilbi din bilang Chief of Staff, Training and Doctrine Command (TRADOC); chief, Office of the Army Chief Public Affairs; at Commanding Officer ng 7th Infantry Battalion sa ilalim ng 6th Infantry “Kampilan” Division.

Miyembro siya ng Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990 at Master in Communication Development sa University of the Philippines Open University (UPOU). (JESSE KABEL RUIZ)

51

Related posts

Leave a Comment