AFP, PNP AT COMELEC NAGHAHANDA SA BOL PLEBISCITE

bangsa

(NI JESSE KABEL)

NAGSAMA-SAMA kahapon ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Commission on Elections (Comelec) para talakayin ang ilalatag na seguridad upang matiyak na magiging  matiwasay ang pagdaraos ng Bangsamoro Organic Law plebiscite at May 2019 midterm elections particular sa Mindanao.

Kasunod ito nang naging pahayag ni defense Secretary Delfin Lorenzana na problematic ang ilang lugar sa Mindnao kaugnay sa gaganaping BOL plebiscite kabilang dito ang Cotabato City, Lanao del Norte at Isabaela Basilan.

Aminado si Lorenzana na malaking hamon sa kanila ang pagpasok ng 2019 “the challenges for us for the six months is una muna yung plebisito, dahil maliban sa Cotabato at Isabela, meron ding anim na bayan sa Lanao del Norte na gustong sumali dun sa BOL, ngunit ayaw naman na pumayag yung buong probinsya ng Lanao .”

Dumalo sa ginanap na pulong sina AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal, PNP Chief Oscar Albayalde at mga kinatawan ng Comelec.

Tiniyak ni Madrigal na nakalatag na ang security measures, lalo na sa Mindanao kung saan umiiral pa rin ang martial law.

127

Related posts

Leave a Comment