AGAW-BUSINESS MOTIBO SA PAGDIIN KAY TEVES

PARA sa mga taga-Negros Oriental, negosyo partikular ang STL at e-Sabong ang dahilan kaya patuloy ang panggigipit kay dating Cong. Arnolfo “Arnie” Teves ng kanyang mga kalaban.

Ngayong ibinalik ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ay nagkalinaw umano na nais lang itong makuha ng mga kalaban mula kay Teves.

Kwento ng source ng SAKSI Ngayon, nagsimula ang e-Sabong at STL sa Negros Oriental na pagmamay-ari ni Teves.

Kalaunan ay pinagtulungan aniyang siraan si Teves ng pamilyang Degamo at ni Mayor Fritz Diaz mula sa isyu ng mga katiwalian tulad ng pagmamay-ari ng sugal hanggang sa pagbintangan na rin itong nasa likod ng mga patayan sa nasabing lalawigan.

“Noong araw, they are afraid of these people because of influence and money, we all you know official can’t own gambling.. gambling operation and still very proud sa kanila ang STL, marami ang nagkatrabaho dyan! How many people lose money everyday, ilang mga bata ang nawalan ng baon dahil dyan sa sugalan na yan? Sa 12,000 combinations, paano kayo mananalo hindi ba kayo nagtataka?,” isa umano sa mga pahayag noon ni Diaz na kilalang masugid na tagasuporta ng mga Degamo.

Sinabi pa ni Diaz na maraming kabataan ang nasasayang ang buhay dahil sa sugal.

Matapos magtagumpay ang kampo ng mga Degamo at Diaz na mawala ang STL at e-Sabong kay Teves ay sila namang nagpabukas nito.

Base pa nakuhang impormasyon ng SAKSI Ngayon, ang itinuturong tauhan ni Teves na si Junjun Electona ay front umano ng mga Degamo at Diaz.

Kamakailan, nagkaroon ng signing of resumption of STL sa Negros Oriental na pinirmahan ni Mayora Janice Degamo, biyuda ng napaslang na si Gov. Roel Degamo matapos makipagkita sa kanya ang kinatawan ng Gabrione Games Inc.

“Paano nyong sinasabi na illegal ang STL, dati namang mayroon itong lisensiya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ngayon dahil si Mayora Janice Degamo ang pumirma para muling buksan ang STL sa Negros Oriental ay okey sa kanila?,” tanong pa ng source.

“Dati ‘di sila (Janice at Fritz) makaporma nang nabubuhay pa si Governor Roel Degamo ngayon pilit nilang iniintriga si Cong. Teves para masira, yun pala sila ang gustong pumalit sa pagpapatakbo ng sugal sa Negros Oriental,” banggit pa ng source.

“Noong November 10, pina-stop nyo ang STL ni Teves na walang rason, anong nangyari? May signing na ang bagong operation under sa ilalim ng bagong management,” aniya pa.

Pinatutsadahan din nito ang mga Degamo at si Diaz kung bakit ipinagpatuloy ang sugal gayong sinabi nilang nakasisira ito ng buhay ng tao.

“Anong kaibahan ng STL nila sa STL ni Teves? Bakit sinabi nilang nasisira ang buhay ng mga tao at mga bata? Ngayon dahil sila na ang may hawak ng STL bakit hindi nila sinasabi na nasisira ang buhay ng mga tao at mga bata?”.

May paghihimutok ding sinabi ng source na taga-Negros Oriental na hindi pa nakuntento ang dalawang kalaban ni Teves sa pag-agaw sa negosyo nito kaya pilit pa nila itong iniugnay sa pagpatay ni Gov. Degamo.

“Hindi pa sila nakuntento sa pagsasangkot nila kay Cong. Teves sa pagpatay kay Gov. Degamo humantong pa sa pagtatalaga sa kongresista sa teroristang grupo at pagtanggal sa kanya bilang miyembro ng House of Representatives,” aniya.

Kaugnay nito, dismayado ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagbabalik ng STL sa Negros Oriental.

Tinututulan ni Dumaguete Bishop Julito Cortes ang muling pagbubukas ng STL na sinabi nitong may, “harmful effects” and potential erosion of moral values.

“We humbly appeal to our provincial and local officials to rethink (the) approval of STL applications in the province, ” ayon kay Cortes sa CBCP Facebook post noong Huwebes, Oct. 12.

“Kung talagang ayaw nila (Janice Degamo at Fritz Diaz) ng sugal, bakit nila pinabuksan muli ang STL na pinirmahan pa ni Mayor Janice?,” tanong pa ng source.

(JOEL O. AMONGO)

789

Related posts

Leave a Comment