‘AGIMAT’ NI DUQUE KAY PDU30 KINUWESTYON NG SENADOR

NAGTAKA si Senador Panfilo Lacson kung anong agimat ang ginagamit ni Health Secretary Francisco Duque kung bakit hindi ito masibak ni Pangulong Duterte sa Department of Health (DOH) sa kabila ng sunod-sunod na kapalpakan.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson, hindi mabilang sa daliri sa kamay ang kapalpakan ng kalihim at pinakahuli ang kabiguan nitong bayaran ng tig-P1 milyon ang 32 health workers na namatay at ilang nagkasakit sa corona virus 2019 disease (COVID-19).

“Many of us are starting to wonder what “amulet” DOH Secretary Francisco Duque III has to deserve such a special treatment,” ayon kay Lacson.

Sinabi ni Lacson na hindi nya puwedeng kuwestiyunin ang Pangulong Duterte dahil presidential prerogative niya ang pagtalaga kay Duque bilang kalihim ng DOH.

“While I do not and cannot question the presidential prerogative to hire and fire his Cabinet secretaries and other political appointees not protected by the civil service law, it is kind of boring to see Sec. Duque pointing fingers at his subordinates and other people for his pattern of failures in running the DOH – and getting away with it each time,” ayon sa mambabatas.

Aniya, kahit siya (Duque) mismo ay nagsasabing may sarili siyang pagkakamali sa mga desisyon kabilang ang pagtatakda ng 2nd wave ng COVID-19 sa bansa.

“Now, he even blames his inadequacies and neglect on those who have not received the compensation allowances, by  claiming that some of them have two wives,” ayon kay Lacson.

Kamakailan, natuklasan ng Senado na hindi pa naibibigay ng DOH ang nakatakdang pabuya na itinakda sa batas na P1 milyon sa mamamatay at P100,000 sa magkakasakit na health frontliners habang nagtatrabaho at tumutupad ng tungkulin laban sa COVID-19.

SINISI ANG TAUHAN

Sa public address kahapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay sinisi ni Secretary Duque ang kanyang mga subordinates sa DOH sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng financial assistance sa mga health worker na tinamaan ng COVID-19.

Sa harap mismo ni Pangulong Duterte ay sinabi ni Sec. Duque na hindi talaga katanggap-tanggap ang pagkakaantala sa proseso ng benepisyo para sa health workers na namatay habang nakikipaglaban sa COVID-19 outbreak.

“Nakakahiya talaga, sir eh. Namatayan na nga tapos nagpa-wardi-wardi yung mga tao ko na parang walang sense of urgency. ‘Yun talaga ang sama-sama ng loob ko, Mr. President,” ayon sa Kalihim.

Aniya, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan na huwag umuwi ng bahay hangga’t hindi natatanggap ng mga benepisaryo ang kanilang financial assistance.

“I’m sorry to drag you into this,” ayon naman kay Pangulong Duterte kay Sec. Duque.

24-ORAS

Kaugnay nito, binigyan ni Pangulong Duterte ng 24-oras si Duque para bumuo ng bagong team na mangangasiwa sa distribusyon ng cash assistance sa mga health worker na tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ni Pangulong Duterte na maaari nitong kunin ang mga taong kilala sa kanilang katapatan para mapangalagaan ang pondo na ibibigay sa mga benepisaryo.

“I expect it within 24 hours,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, sinalag muli ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga pambabatikos laban kay Sec. Duque hinggil sa pagkakaantala ng financial assistance sa mga health worker.

Nauna rito, ikinagalit ni Pangulong Duterte ang patuloy na pagbalewala at hindi pa rin pagbibigay kompensasyon sa mga health worker na nasa frontline sa paglaban ng bansa sa nakamamatay na sakit na coronavirus o COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mayroong 32 health workers na binubuo ng 4 nurses, 26 doctors at 2 non-medical staff na namatay sa COVID-19, ayon sa datos ng DOH. ESTONG REYES/ CHRISTIAN DALE

71

Related posts

Leave a Comment