ISINUSULONG ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na magtayo ng isang ahensya para matutukan nang husto ang rehabilitasyon ng mga drug addict.
Sa House Bill (HB) 5932 na inakda ni Magdalo party-list Rep. Manuel Cabochan III, nais nitong magkaroon ng “Bureau on Drug Abuse Prevention and Control” para sa mga drug adik na gustong magbagong buhay.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health (DOH) ang mga rehabilitation center sa bansa subalit dahil sa dami umano ng trabaho ng mga ahensya ay hindi masyadong natututukan ang pagbabagong buhay ng mga drug addict.
“The Bureau will oversee and implement the function of the Department of Health on drug abuse, treatment and rehabilitation,” pahayag ng mambabatas sa kanyang panukala.
Ginawa ng mambabatas ang nasabing panukala sa gitna ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga kung saan mahigit isang milyong adik ang sumuko at nangakong magbago.
Gayunpaman, maliit na porsyento lamang umano sa mga sumukong drug addict ang sumailalim sa rehabilitasyon.
Naniniwala si Cabochan na kung magkakaroon ng bagong sistema sa rehabilitasyon sa mga adik ay magtatagumpay ang gobyerno na maiiwas ang mga ito sa ilegal na droga.
“Drug addiction is considered an illness that heavily damages both the physical and mental wellness of a person. This means that drug addiction can be treated with proper intervention. (BERNARD TAGUINOD)
262