AKUSASYON NI PANGILINAN NA DAPAT SISIHIN ANG DUTERTE ADMIN SA PATAYAN SA BANSA, IRESPONSABLE

PANELO-PANGILINAN

BINUWELTAHAN ng Palasyo at tinawag na iresponsable at reckless ang akusasyon ni Opposition Senator Kiko Pangilinan, na kaya nagkakaroon ng sunod-sunod na patayan sa bansa ay dahil sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Pangilinan matapos pagbabarilin at mapatay kamakalawa si AKO Bicol Partyist Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pambabastos ang ginawa ni Pangilinan sa Pamilya Batocabe dahil ginagamit lang niya ang insidente para umani ng political mileage at mapalakas ang kandidatura ng mga taga-oposisyon sa nalalapit na eleksyon.

Ang nagaganap na patayan sa bansa ay hindi kagagawan aniya ng estado dahil hindi naman kinukunsinti ng pangulo ang extra judicial killings at sinisigurong mapapanagot sa batas ang mga kriminal.

7

Related posts

Leave a Comment