ALAGANG BABOY IINSPEKSIYUNIN BAGO KATAYIN – DA

ASF-3

(NI DAHLIA S. ANIN)

NAGBABALA   ang Deparent of Agriculture sa mga hog raisers na nagkakatay ng baboy at ibinebenta sa publiko.

Ito ay matapos mabisto ng ahensiya ang talamak na bentahan online ng mga baboy sa mga online post.

“To ensure that the hog or the meat na na-slaughter ay safe ay dapat na dadaan sa tamang proseso. Ang tamang proseso ay ma-inspect tapos po ay kakatayin sa tamang slaughterhouse,” ani Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, sa panayam.

Pinapayuhan ang publiko na bumili lamang ng karne ng baboy sa may mga certificate mula sa National Meat Inspection Services.

Ilang kaso na ng African Swine Fever o ASF ang naitala sa ilang barangay sa Quezon City.

 

 

 

188

Related posts

Leave a Comment