MARAMI pang lugar sa bansa ang inilagay sa ilalim ng pinakamababang Alert Level 1 status mula Mayo 3 hanggang 15.
Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang isang rekomendasyon.
Sa kabilang dako, ang mga sumusunod na lalawigan, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs) ay inilagay sa ilalim ng Alert Level 1:
Para sa Luzon, Nueva Vizcaya sa Region II; at para sa Mindanao, Misamis Occidental sa Region X.
Ang mga sumusunod namang component cities at municipalities ay inilagay rin sa ilalim ng Alert Level 1: Para sa Visayas, Talisay City, Cebu sa Region VII; at para sa Mindanao, Antipas, North Cotabato, at Banga, South Cotabato sa Region XII.
Makikita sa data ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ang Pilipinas ng 1,399 bagong COVID-19 kaso mula Abril 25 hanggang Mayo 1.
Ang daily case average sa nasabing panahon ay 200, na 5% na mababa kumpara sa naunang linggo.
Tinatayang, mahigit sa 3.68 million COVID-19 infections ang naitala sa bansa simula nang sumipa ang pandemya noong 2020. (CHRISTIAN DALE)
151