ALITAN SA 1ST FAMILY ITINANGGI NG PALASYO

dutertekids33

(NI BETH JULIAN)

PINABULAANAN ng Malacanang na may namumuong alitan sa First Family kasunod ng mga ulat na tiyak na iisnabin ng ilang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang SONA sa Lunes.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nag abiso na si Davao City Vice Mayor Baste Duterte na hindi makadadalo sa SONA dahil abala ito sa mga usapin ng lungsod lalo na’t naka medical leave si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio.

Gayunman, hindi naman masabi ni Andanar kung dadalo o hindi si Congressman Paolo Duterte.

Una nang lumutang ang espekulasyong may hidwaan ang pamilya Duterte dahil sa isyu ng karera sa pagka House Speaker kung saan iba’t iba ang kanilang sinuportahang kandidato.

“Masama ang pakiramdam ni Mayor Inday kaya siguradong hindi siya makadadalo. We wish her that she gets well as soon as possible because City of Davao needs her. Si Baste naman ay first time in politics and there’s so much  to do in Davao City being one of the fastest growing city in the Philippines. Si Congressman Pulong hindi ko pa nabasa yung guest lists kung hindi sya a-attend,” pahayag ni Andanar.

 

129

Related posts

Leave a Comment