AMBUSH SA BROADCASTER TUTUTUKAN NI ANDANAR

martinandanar12

(NI CHRISTIAN  DALE)

TINIYAK ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na katuwang ng mga otoridad ay tututukan ng Presidential Task Force on Media Security ang imbestigasyon sa pamamaril sa broadcaster at provincial information officer ng Davao del Norte na si Pat Lucero Pacquiao.

Ang pahayag ay kasabay ng pagkondena ni Andanar sa panibagong pag-atake sa isang media practioner na ginagawa lamang ang tungkulin nito sa publiko.

Sinabi ni Andanar na dalangin nila ang mas mabilis na recovery at mas mabilis na resolusyon sa kaso para makamit niya ang hustisya.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Andanar na bilang co-chairman ng PTFoMS ay ipinag-utos na niya ang special investigation para maging solid ang kaso laban sa mga nasa likod ng pamamaril.

Siniguro rin ni Andanar ang kahandaan ng PTFoMS na magbigay ng legal assistance kay Pacquiao na masuwerteng nagpapagaling na ngayon sa ospital dahil sa tinamong tama ng bala sa likurang bahagi ng balikat nito.

Binigyang-diin din ni Andanar na mananatili ang pagtiyak ng PTFoMS sa pagbibigay ng proteksyon sa buhay, kalayaan sa pamamahayag at seguridad ng lahat ng media workers sa bansa.

129

Related posts

Leave a Comment