AMNESTY INT’L KINAMPIHAN NI HONTIVEROS

rissa45

(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD)

IPINAGTANGGOL ng isang senador ang Amnesty International (AI) laban sa Duterte administration na nagsabing pinupulitika ang nangyayaring krimen sa bansa.

Sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na may iniingatang track record ang AI sa inilalabas na imbestigasyon sa nangyayaring patayan sa war on drug ng pamahalaan.

Sinabi pa nito na sa halip na batikusin ng pamahalaan ang ibinulgar na ulat ng AI ay dapat na kumilos ang mga awtoridad.

“Ang Amnesty International ang tagal na ng track record niyan. Meron na siyang reputation na hindi siya mag-i-issue ng investigation findings or kanyang evaluation  tungkol sa killing fields na either walang basehan o para lang sa pumumulitika. Globally, ganu’n ang pagkakilala sa AI. So kung sinabi nila na nagiging killing fields na ng EJKs ang isang probinsya dito sa ating bansa, napakaseryosong statement iyan, na dapat seryoso ring tingnan,” paliwanag pa nito.

Kung totoo aniya na nirerespeto ng pamahalaan ang karapatang pantao ay dapat na tanggapin ang ulat ng AI.

“Well, if they really respect human rights, dapat tanggapin nang maayos yung ganitong finding ng isa sa pinakarespetadong human rights organizations sa mundo, at bigyan nila ng daan, bigyan nila ng atensyon ang latest findings,” dagdag pa nito.

Marapat lamang aniya na sagutin ng pamahalaan ang ulat ng AI at hindi basta na lamang ipagwawalang bahala at sabihing politika lamang ito.

116

Related posts

Leave a Comment