AMPATUAN TINIYAK NA MAKADADALO SA PROMULGATION

(NI ROSE PULGAR)

BANTAY- sa mga tauhan ng Makati City Police -Special Weapons and Tactics at Bureau of Jail Management Penology (SWAT-BJMP) ang loob at buong paligid ng Makati Medical Center sa paglabas ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan, Miyerkoles ng hapon.

Ang bantay seguridad ng mga awtoridad ito ay upang tiyakin na makakadalo sa gaganapin na promulgation bukas ng umaga sa kinakaharap na kasong murder ni Ampatuan sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC).

Dakong alas-2:03 ng hapon nang mailabas si dating ARMM  Governor sa likuran bahagi ng nasabing pagamutan sa Dela Rosa St. ng nasabing lungsod.

Si dating ARMM governor Ampatuan ay sakay ng kanyang wheelchair, naka mask at nakasuot ng sumbrero nang ilabas sa pagamutan at isinakay ng mga tauhan ng BJMP sa isang nag-aabang na Asian Utility Vehicle (AUV).

Nasa limang behikulo ang nag convoy sa pagdadala sa detention cell ni Ampatuan sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Alas-2:17 nang dumating ang covoy ni Ampatuan sa nasabing piitan kung saan handa na ito para sa kanyang promulgation bukas, Disyembre 19.

Nauna nang ipinag utos ni QCRTC Judge Jocelyn Solis Ryes ng Branch 221 na kailangang maibalik sa piitan si Ampatuan sa Camp Bagong Diwa bago ang nakatakdang promulgation nito.

153

Related posts

Leave a Comment