ANGAT DAM KRITIKAL NA SA ABRIL; 96% NG TUBIG INAASAHAN SA MM

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES)

ASAHAN na umanong papalo sa kritikal na antas ang tubig sa Angat Dam sa katapusan ng Abril.

Ayon kay PAGASA hydrologist Danny Flores, kung pagbabatayan ang araw-araw na pagbaba ng water level sa Angat Dam at walang dumarating na pag-ulan, patuloy na mababawasan ang tubig.

“Kinukwenta natin, aabutin siya ng mga halos katapusan pa ng Abril. Bababa siya doon sa kanyang critical level,” ani Flores.

Simula nang ideklara ang panahon ng tag-init, patuloy na bumubulusok ang water level ng Angat dam. nitong Linggo, umaabot na sa 195.91 meters ang antas ng tubig sa dam na mas mababa sa normal high water level na 212 meters.

Siyamnapu’t anim na porsyento ng tubig sa Metro Manila ang isinusuplay ng Angat Dam.

Maliban sa pagpasok ng tag-init, kasalukuyan ding nararanasan ang El Nino phenomenon na lalong magpapatindi ng mainit na panahon sa maraming lugar sa bansa.

 

170

Related posts

Leave a Comment