ANGKAS, PAG-AARI NG DAYUHAN

angkas12

Posibleng madiskwalipika sa paglabag sa batas

(Ni: NELSON S. BADILLA)

POSIBLENG matanggal ang Angkas bilang pampublikong transportasyong motorcycle taxi dahil sa tahasang paglabag sa batas na nagbabawal sa mga dayuhang negosyante na magkaroon ng higit 40 porsiyentong pag-aari ng sapi sa isang kumpanya sa bansa.

Ngunit, ang tuluyang pagtanggal at pagdiskwalipika sa Angkas ay nakasalalay kay Transportation Secretary Arthur Tugade alinsunod sa nadiskubre ng Department of Transportation – Technical Working Group (TWG).

Ang TWG na pinamumunuan ni Antonio Gariola Jr. ay inaprubahan ng Kongreso para siyang mamahala sa “pilot run” ng motorcycle taxi.

Si Gariola, na retiradong police major general, ay opisyal ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ang resulta ng pag-aaral ng DOTr – TWG ay mayroong estratehikong papel sa pagpasa ng Kongreso sa mga inihaing panukalang batas tungkol sa operasyon ng motorcycle taxi bilang pampublikong sasakyan.

Nabatid ng Saksi Ngayon mula sa mapagkakatiwalaang source, nadiskubre ng DOTr – TWG na ang Angkas o ang DBDOYC (rehistradong pangalan sa pagnenegosyo sa Securities and Exchange Commission) ay 99.96 porsiyentong pag-aari ng dayuhang negosyante.

Ganito ang pahayag ng DOTr – TWG sa nalaman nilang sikreto ng Angkas: “In a blatant display and defiance and arrogance, note how Angkas or DBDOYC (its registered corporate name) did not disclose to the public that it is a 99-percent foreign-owned corporation…”

Katunayan, tinumbok ng DOTr – TWG na “Angeline Xiwen Tham” ang may-ari ng Angkas, batay sa nakalap ng nasabing ahensiya ng pamahalaan sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Sa dokumento ng SEC, sinabing isang Singaporean si Tham na mayroong P9.8 milyong sapi sa Angkas.

Tinukoy rin sa dokumento ng SEC na si Tham ang pangulo ng korporasyong nagmamay-ari ng Angkas.

Idiniin ng DOTr – TWG na tahasang paglabag sa batas ang operasyon ng Angkas, sapagkat itinakda at ipinag-utos ng batas na 40 porsiyento ang maksimum na sapi na pinapayagang maging pag-aari ng dayuhang negosyante, samantalang 60% naman ang kontrol ng mga negosyanteng Filipino.

Ipinaalala ng DOTr – TWG sa Angkas na “It bears repeating and emphasizing, that Angkas is merely operating on the basis of the motorcycle taxi pilot study, a privilege being accorded by the TWG, notwithstanding the legal issues hounding Angkas and its attempt to circumvent existing transport laws, to carry out its business.”

Bukod sa Angkas, pinayagan na rin ng DOTr at LTFRB na makapasok ang mga kumpanyang JoyRide at Move It na maging bahagi ng pampublikong sasakyang motorsiklong taxi.

Ang pagpapasapi sa dalawang kumpanya ay nakabatay sa patakaran ng DOTr na walang monopolyo sa pampublikong sasakyan.

Tugma rin ito sa charter ng LTFRB na nagtakda at nag-uutos sa iba pang sektor na bawal ang monopolyo sa pampublikong sasakyan.

490

Related posts

Leave a Comment