Anong ginagawa ni BBM at ng DA? – Farmers PRESYO NG PAGKAIN LALONG SUMIRIT

(BERNARD TAGUINOD)

MISTULANG dedma ang Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain.

Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus Rafael Mariano, lumabas sa kanilang market monitoring imbes na bumaba ang presyo ng mga pagkain ay tumataas ito.

Bukod aniya sa bigas na tumaas ng P5 ang kada kilo ay pataas din nang pataas ang presyo ng mga gulay, karne ng baboy, manok at mga isda subalit hindi ito pinapansin ng DA.

“Ang DA ang may poder sa produksyon ng bigas at pagkain at siya ring may pangunahing responsibilidad na tiyak na may sapat at abot-kayang suplay ng bigas at pagkain sa bansa. Pero ano ang ginagawa ng DA at ng Kalihim nito,” ani Mariano.

“We see further worsening of the food crisis and food inflation in the coming months and not even the NEDA (National Economic Development Authority) can cover-up this reality,” dagdag pa ng dating kinatawan ng Anakpawis party-list sa Kamara.

Patuloy rin umanong dinededma ng gobyerno ang kanilang mga inilatag na solusyon para maging self-sufficient ang Pilipinas sa pagkain.

Kabilang dito ang kanilang panukala na ipatigil ang land conversion ng mga sakahan sa commercial at subdivision, pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka, pagpapatayo ng mga post-harvest facilities, maayos na sistema ng irrigation at iba pa.

Kailangan din aniyang amyendahan ang Rice Liberalization law, World Trade Organization–Agreement on Agriculture at Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at ipasa ang

House Bill 1161 o Genuine Agrarian Reform Bill HB 405 o Rice Industry Development Act RIDA.

“Layunin ng RIDA na makamit ang food security na nakabatay sa self-sufficiency at self-reliance. Ito ay sa pamamagitan ng suporta sa mga magsasaka, pagpapaunlad ng imprastruktura, at

pagpapatupad ng mga patakarang magbibigay proteksyon sa mga sakahan, magsasaka at industriya,” ani Mariano.

Gayunpaman, inaalikabok lamang umano ang nasabing panukala sa Kongreso dahil hindi ito inaaksyunan.

75

Related posts

Leave a Comment