(NI KIKO CUETO)
NAKATULONG ang pag-ulan nitong mga nakaraang araw para bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Gayunman, nananatili pa itong mababa sa kritikal na lebel ng tubig kahit bumuhos ang ulan dulot ng habagat.
Linggo ng alas-6 ng umaga, nasa 158.4 meters ang lebel ng tubig sa Angat.
Mas mataas ito sa 157.96 meters noong Sabado.
Bumagsak sa critical level ang tubig sa Angat noong Hunyo 20.
Dahil dito, napilitan ang National Water Resources Board na bawasan ang alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System maging sa kanilang concessionaires, ang Maynilad Water Services at Manila Water.
Ang dam ang pinagkukuhanan ng 90 porsyento ng tubig sa Metro Manila.
169