ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM NORMAL NA PERO SUPPLY ‘DI SAPAT

angatdam12

(NI LILY REYES)

SA kabila ng patuloy  na pagbuhos ng ulan dahil sa bagyo at habagat ay hindi pa rin umano sapat ang supply  ng tubig ng Angat Dam para sa buong Metro Manila.

Ayon kay National Water Resources Board Executives Director Sevillo David Jr., nasa 183.03 meters na ang lebel ng tubig ng Angat Dam bandang ala-6:00, Martes ng  umaga o mas mataas sa normal na operasyon na 180 meters ngunit mas mababa sa operasyon nito na 212 meters.

Sinabing ang distribusyon ng tubig na 40 cubic meters per second (CMS) ay tumaas nitong linggo ng 6 CMS noong nakaraang mga buwan at mababa  pa rin  ito sa regular na suplay na 46 CMS.

“Ang normal high operating level po n’yan ay mga 212 meters, iyan po sana ang tinatarget natin bago matapos ang taon. Tinitingnan po natin dito ang supply natin sa buong taon at sa susunod na taon po,” dagdag pa ni David.

Bagama’t nasa normal level na ang tubig ng Angat Dam ay hindi nangangahulugang magiging kampante na dahil hindi pa rin umano  masasabi  na  sapat na  ang tubig ng Angat dam ngayon lalo’t pinaghahandaan din ang darating na tag-init.

 

130

Related posts

Leave a Comment