ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGBABA

angatdam12

(NI JEDI PIA REYES)

PATULOY pa rin sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam sa kabila ng pagdeklara ng Pagasa ng pagpasok ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB), batay sa huling monitoring noong Linggo ay nasa 162.39 meters ang water level sa Angat dam.

Tinataya pa ng NWRB na umaabot ng 160 meters ang antas ng tubig sa ikatlong linggo ng Hunyo dahil sa tinatawag na monsoon break o pansamantalang pagtigil ng pag-ulan.

Kasabay nito, nagbabala si David na maaaring magbawas ng alokasyon ng tubig sa Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) na makaaapekto sa suplay ng mga water concessionare sa Metro Manila sakaling bumaba pa sa 160 meters ang water level.

Sa ngayon ay nasa 46 cubic meters per second ang alokasyon ng Angat dam para sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Umaasa si David na makararanas ng sapat na pag-ulan sa mga susunod na araw upang bumalik na sa minimum operating water level na 180 meters ang Angat dam.

May mga inilalatag na rin silang action plan upang hindi magdulot ng krisis ang kakapusan ng tubig sa Angat dam.

195

Related posts

Leave a Comment