ANTI-BALIMBING LAW BINUHAY SA KAMARA

barbers55

(NI BERNARD TAGUINOD)

MATAPOS mabigong maipasa noong nakaraang Kongreso, muling nagbabaka-sakali ang isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maging batas ang kanyang panukala laban sa mga “balimbing” na politiko.

Bago pa man naglipatan ang ibang partido ang ilang mambabatas, nakahain na sa Kamara ang House Bill (HB) 70 na iniakda ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Sa ilalim ng nasabing panukala, sinabi ni  Barbers na sa ilalim ng Section 10, Article II © ng 1973 Constitution ay hindi maaring lumipat ang mga politiko sa ibang partido, anim na buwan bago ang halalan at inilabas din si dating pangulong Ferdinand Marcos ang Presidential Decree No. 1667 na nagbabawal sa mga miyembro ng Interim Batasang Pambansa na magpalit habang nakapuwesto ang mga ito.

Gayunpaman, wala umano ito sa 1987 Constitution (and) “…as a result, political turncoatism became a popular practice in the Philippine politics especially during election period. Due to lack of ideological grounds for political party, members tend to shift to another party when opportunity comes or when there is a need for them to survive,” ani Barbers sa kanyang panukala.

Malimit aniya na nagpapalit ng partido ang mga politiko para makinabang sa resouces ng Pangulo kaya tinatalikuran ng mga ito ang natitirang prinsipiyo

Sa kanilang katawan kaya dapat na aniya itong ipagbawal upang tumatag ang political party system sa bansa.

“This phenomenon weakens the Philippine party-system that undermines democray. With  the enanctment of this bill, political turncoat will be penenalized. This act will ensure genuine party system and promote party loyalty, discipline and adherence to ideological principles. This will also provide us hopes that societal change can be achieved for progressive nation,” ayon pa kay Barbers.

Sakaling maging batas, sinabi ni Barbers na sinuman ang babalimbing ay hindi pauupuin kahit nanalo sa sinalihang halalan at hindi maaarng tumakbo sa susunod na dalawang eleksyon.

Hindi na rin umano maaaring italaga sa anumang posisyon sa gobyerno ang mga balimbing na pulitiko sa loob ng tatong tatlo mula nang bumalimbing ito , hindi hahawak ng tungkulin sa sinalihang partido at ibabalik nito ang 25% sa gastos ng partidong tinalukuran nito.

Noong nakaraang linggo ay 14 miyembro ng administration party na PDP-Laban  sa Kamara ang lumipat sa National Unity Party (NUP).

81

Related posts

Leave a Comment