(Ni FRANCIS SORIANO)
DAHIL sa tuluyan nang paglalagda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Rice Tariffication Law, dudulog ngayon ang Bantay Bigas Group para kuwestiyonin ito sa Supreme Court.
Ayon kay Cathy Estabillo, tagapagsaila ng Bantay-Bigas Group, magdudulot lamang ang naturang batas ng malawakang pagkalugi at kagutuman sa mga magsasaka at mararamdaman ang epekto nito sa darating na Setyembre.
Sinabi ng grupo na gumagawa sila ng kaukulang hakbang para kuwestiyonin at ipawalang-bisa sa Korte Suprema ang batas na umano’y lalong magpapahirap sa mga magsasaka matapos tanggalin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na i-regulate ang presyuhan ng bigas sa merkado.
165