APELA NG DEPED: IHABOL SA ENROLLMENT ANG MGA BATA

deped12

(NI KEVIN COLLANTES)

UMAAPELA ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na ipa-enroll na ang kanilang mga anak upang makapasok ang mga ito sa eskwelahan.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, sa mga pampublikong paaralan ay binibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong makapag-enroll, upang matiyak na makakapag-aral ang mga ito.

Mas mainam aniya kung bago matapos ang buwang ito ay maipa-enroll na ang mga bata upang hindi sila mahirapan.

“Sa public school kung puwede bago matapos itong buwan na ito kasi mahihirapan ‘yung bata na makahabol,” ani Mateo.

Aniya, inaasahan na rin naman nilang darami pa ang bilang ng mga mag-aaral sa public schools dahil marami pa aniya ang magpapa-enroll ngayong linggo hanggang sa buwan ng Agosto, kung kailan magbubukas naman ng klase ang mga pribadong paaralan.

“We’re expecting about 2.7 million students but if we include the out-of-school youth and alternative learning system, that number may go up,” aniya pa.

Noong Lunes, Hunyo 3, ay milyun-milyong estudyante ang pumasok sa eskwelahan kasabay ng pormal nang pagsisimula ng School Year 2019-2020.

 

149

Related posts

Leave a Comment