Apela ni Duterte sa China ‘bff’ PINOY HAYAANG MANGISDA SA WPS

0

NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Chinese President Xi Jinping na hayaan lamang ang mga mangingisdang Filipino na mapayapang makapangisda sa West Philippine Sea.

“I told him: ‘We have no quarrel. So just leave the fishermen alone because they have to eat,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi.

“I know that it’s yours โ€” according to you. I’ve heard that several times. But you know, you must also have heard of the fact that people are hungry,” aniya pa rin.

“Filipinos are hungry, and you are not oblivious to that fact. So kindly just allow our fishermen to fish in peace, and so there is no reason for trouble. If there is one, a brewing, you call our attention and we can talk immediately to solve the problem,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Ang kahilingan ng pangulo sa China ay matapos mamataan ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) noong Marso 7, ang nasa 220 fishing boat ng Chinese sa Julian Felipe Reef.

Iniulat ng NTF-WPS na posibleng pinangungunahan ng mga Chinese maritime militia ang mga barko.

Ayon sa NTF-WPS, nakababahala ito dahil sa posibleng overfishing at pagsira sa maritime environment gayundin ang panganib sa safety of navigation dahil hindi naman umano sila nakikitang nangingisda kahit maganda ang panahon.

Ang Julian Felipe Reef ay nasa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continental Shelf kaya may eksklusibong karapatan dito ang Pilipinas.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr,. na hihintayin muna niya ang rekomendasyon ng militar bago muling maghain ng diplomatic protest laban sa China. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment