APELA NI PDU30: PANANAKOT SA BOTANTE ‘WAG PAIRALIN

duterte15

(NI BETH JULIAN)

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga kandidato na huwag pairain ang pananakot o harassment para makakuha ng boto.

Babala ng Pangulo, siya ang makakabangga ng mga politikong manggigipit ng mga botante sa Lunes.

Ayon sa Pangulo, marapat lamang hayaan ang mga botante na makapamili ng mga kandidatong gusto nilang iluklok sa puwesto bilang bahagi ng demokrasya.

Iginiit ng Pangulo na kailangang masunod ang  batas sa halalan upang maiwasan ang anumang problema.

Nangako rin ito na hindi niya hahayaan ang maruming eleksyon sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Samantala, inuunawa ng Malacanang ang sitwasyon kaya may nakalulusot na vote buying sa tuwing may idinaraos na halalan.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, dahil kulang sa mga kaalaman sa pagboto at sa tamang idudulot ng eleksyon, marami sa mga Filipino ang kumakagat sa maruming taktika ng mga kandidato.

Ayon kay Panelo, ang problema kasi sa hirap na rin ng buhay ay pinapatulan na rin ng mga botante ang kahit katiting na ibinabayad sa kanila ng kandidato para ito iboto.

Dagdag pa ni Panelo, dapat maunawaan ng mga botante na kapag kulang sila sa tamang kaalaman, magbukas sila sa pagbabanta o vote buying at pananakot.

Pero kapag nakatapos naman ang mga ito o nakapag-aral hindi naman basta pwedeng bilhin ng mga tiwaling kandidato.

Bunsod nito, iminungkahi ni Panelo na dapat na mabigyan ng tamang gabay ang mga botante para tamang kandidato rin ang maisusulat nila sa balota.

 

181

Related posts

Leave a Comment