Aprubado sa Kamara DRUG LORDS, HARD CRIMINALS ITATAPON SA ISLA

MAGTATAYO na ang gobyerno ng kulungan para sa drug lords at tigasing mga kriminal na malayo sa mga sibilyan upang maputol na ang kanilang transaksyon sa labas habang sila’y nakakulong.

Sa botong 222 affirmative votes at 0 negative votes, pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 10355 o “Separate Facility for High-Level Offenders Act”.

“The separate facility for high-level offenders shall be built in a suitable location to be determined by the Secretary of Justice, away from the general population and other inmates, and preferably within a military establishment or in an island separate from the mainland,” ayon sa pinagtibay na panukala.

Sa kasalukuyan ay nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) na nasa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCOr) sa Muntinlupa City, ang drug lords at iba pang tigasing kriminal.

Gayunman, napaliligiran ng civilian community ang NBP kaya nais ng mga mambabatas na ilayo na ang mga ito sa mga sibilyan at ikulong sa malayong isla.

Ginawa ang nasabing panukala dahil sa mga natuklasan sa mga imbestigasyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na kahit nakakulong ang drug lords sa NBP ay tuloy ang kanilang drug operations.

Bukod dito, nakakapag-recruit ang mga ito ng iba pang mga preso para sa kanilang ilegal na operasyon kaya dapat na umano itong maputol kaya kailangang mailayo na ang mga ito.

Bukod sa drug lords ay may mga preso rin umano mula sa iba’t ibang uri ng mga sindikato, ang patuloy na namumuno sa kanilang mga tauhan sa labas kahit nakakulong na ang mga ito.

“The facility shall be located in a secured and isolated place to ensure that there is no unwarranted contact or communication from outside of the penal institution. There shall be at least three (3) separate facilities for high-level offenders, with one facility each in Luzon, Visayas, and Mindanao,” ayon pa sa panukala. (BERNARD TAGUINOD)

49

Related posts

Leave a Comment