(NI DANG SAMSON-GARCIA)
INAMIN ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino na matinding pressure ang nararamdaman niya sa gitna ng pagdinig sa isyu ng ninja cops makaraang makatanggap ng pagbabanta sa buhay ng kanyang pamilya.
Sa gitna nito, nilinaw niya ang kanyang pahayag hinggil sa pagtawag sa kanya ni PNP chief Oscar Albayalde hinggil sa status ng dismissal order laban sa 13 nitong tauhan.
“I wish to explain that my statement yesterday that General Albayalde called me up to know the status of the case of Baloyo and others is the truth,” saad ni Aquino.
“But he (Albayalde) also added during the same (phone call) request, and I quote: ‘Sir, baka pwede mo huwag mo munang i-implement ang order. Then I asked him: ‘Bakit, Oca?,’ where he answered, ‘Kasi mga tao ko sila’,” dagdag ni Aquino.
Nangako anya siya kay Albayalde na isasailalim sa review ang kaso ng Pampanga cops na itatalaga muna nito sa Mindanao.
Sa pagdinig noong Lunes, inihayag ni Aquino na tumawag sa kanya si Albayalde upang magtanong lamang sa status ng kaso ng kanyang mga tauhan kung saan nagpaliwanag naman siya na nalilito siya dahil sa pressure.
“I was thinking of my family who is now put in much deeper danger,” diin ni Aquino.
“A few days ago, I received a phone call from a friend who confirmed that some personalities are plotting against my family. The exact words are: ‘Sir, pinaghahandaan nila ang pamilya mo’,” salaysay pa nito.
228