(NI CHRISTIAN DALE)
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang araw-araw na silent drill sa Monumento ng Pambansang Bayani Gat. Jose Rizal.
Ang silent drill ay pangungunahan ng Armed Forces. Ang nasabing direktiba ay inihayag ng Chief Executive makaraang pangunahan ang closing ceremony ng kauna- unahang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Summit at First Presidential Silent Drill Competition sa Quirino Grandstand.
Ayon sa Punong Ehekutibo, na-inspire siya sa nakita nitong silent drill sa China kung saan tuwing hapon ay mayroong silang drill habang ibinababa ang watawat at pinanonood ng mga tao.
Dahil dito, nabuo ang ideya nito na gawin din ito sa bantayog ni Jose Rizal para mapanood ng mga tao.
At kung sakali aniya na walang manonood ay gawin pa rin ito para sa bansa.
” I was inspired when I went to China. Every sundown, meron silang drill, a drill before the flag is lowered and people congregate every afternoon to see the drill performed by the different units assigned for that day. I want it done every day, may magtingin man o wala, do it for the country. I want you to go into a sort of an activity top honor Rizal at ang ating bayan. Do it and I order it every day. It will be spearheaded by the AFP and those who would like to participate,” ayon kay Duterte.
Sa kabilang dako, bibigyan aniya ng insentibong pang-kape ang mga kalahok sa silent drill at maaaring sumali dito ang iba pang units.
Sinabi pa ng Presidente na kahit walang manonood ay tuloy -tuloy lang ng drill dahil baka nasa sulok lang ito at nagmamasid at nanonood sa mga ito.
Ipinagmamalaki ng Pangulo ang kanyang mga sundalo at pulis sa kabila ng mga pinagdaanang mga pagsubok.
“I pay well. It is not because binabayaran ko kayo, but to give you an incentive to perform well before the puiblic.
Sabi ko kung may manood, maganda. Kung wala, just do it because I might just be there in the corner to watch it. And I feel proud of my soldiers and my policemen.” aniya pa.
167