(NI BETH JULIAN)
KUMPIYANSA ang Malacanang na susuportahan ng susunod na lider ng Kamara ang legislative agenda ng administrasyong Duterte para sa ikabubuti ng interes ng bansa at sa kapakanan ng publiko.
Naniniwala ang Palasyo na alam ng mga miyembro ng Kongreso kung sino ang pipiliian nilang maging bagong speaker kung ang kandidatong sa tingin nila ay magbibigay ng tamang gabay sa pagpasa ng mga batas at tunay na pagbabago sa kabutihan ng mga Filipino.
Ang pahayag na ito ng Palasyo ay kasunod ng pag-anunsyo, Miyerkoles ng umaga, ni Senator Manny Pacquiao kay Congressman Lord Allan Velasco bilang opisyal na kandidato ng PDP Laban para sa pagka-Speaker of the House.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na may paglilinaw na si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto nya na ang Kamara na ang lumutas sa usapin ng pagpili ng susunod na lider at hindi na siya isali pa.
Ayon kay Panelo, mas nais ng Pangulo na tumutok na lamang sa pangangasiwa sa bansa kaysa pumasok pa sa politika at mapaglaruan ang damdamin ng mga taong hindi niya mapipili kung sakali.
147