AWAY SA LUPA, MOTIBO SA JOURNO SLAY – EGCO

AWAY sa lupa ang nasisilip na motibo sa likod ng pamamaslang sa isang beteranong peryodista sa kanyang tahanan sa Calbayog City, Western Samar noong Miyerkoles ng gabi.

Sa kanyang isinumiteng ulat kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco na isa sa kanilang tinitingnang motibo sa pagpatay kay Manila Standard correspondent Jesus Malabanan ay ang alitan sa lupa.

Ayon kay Egco, si Malabanan na stringer din ng Reuters, ang namumuno sa isang grupo ng mga magsasaka sa lalawigan kung saan siya binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanyang tahanan.

Pagtitiyak ni Egco, magsasagawa ng case conference ang Special Investigation Task Group Malabanan o SITG Malabanan kung saan inaasahan ang pagdalo ni Guevarra.

Gayunpaman, nananatiling malaya pa rin ang mga suspek na ‘di pa rin nadarakip ng Philippine National Police.

3

Related posts

Leave a Comment