AYALA, MVP CONTRACTS IIMBESTIGAHAN

Rep Eric Yap-4

Bayan ibinabaon sa utang – solon

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI lang si Pangulong Rodrigo Duterte ang banas kina Fernando Zobel de Ayala at Manny V. Pangilinan kundi ang mababang kapulungan ng Kongreso dahil ibinabaon ng mga ito ang gobyerno at taumbayan sa utang.

Nitong Lunes ay inihain ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang House Resolution (HR) 647 para imbestigahan ang concession agreement ng gobyerno at Light Rail Management Corporation (LMRC) na consortium ng mga Ayala at Pangilinan noong 2015.

Nabatid kay Yap na nagbayad umano ng concession fees sina Ayala at Pangilinan na aabot sa P9 Billion para pangasiwaan ang LRT sa loob ng 32 taon at sa loob lamang aniya ng apat na taon ay kumita ang mga ito ng P13 Billion.

Ngunit sa kabila umano na kumita na ang mga Ayala at Pangilinan ng P4 Billion ay hindi pa nabusog ang mga ito at naniningil pa ng P6 Billion matapos mabigo ang gobyerno na ayusin ang right of way para sa ekstensyon ng LRT 1.

“Dahil yung extention ng LRT1 ay hindi pa tapos dahil sa pag-acquire ng right of way, ang penalty na na-incur ng gobyerno dahil hindi pa nai-deliver ang right of way ay nasa P6 Billion na.

Nangangahulugan na nabaon sa utang ang gobyerno at mamamayan sa kabuuan kaya kailangan umanong imbestigahan ito dahil kumikita naman aniya ang mga ito ngunit hindi pa kuntento.

“So sa akin, kumita naman sila, dahil ngayon ay tumakbo eh, Hawak nila ang ticket, hawak nila ang endorsement. So kumita sila, bakit naman kung na-delay ideliver ang right of way, bakit naman mag-charge ng ganun kalaki,” ani Yap.

Layon ng imbestigasyon na malaman kung talagang ‘disadvantegous” ang nasabing kontrata para bawiin ang concession agreement na pinasok ng nakaraang administrasyon sa Ayala at Pangilinan group.

200

Related posts

Leave a Comment