(NI DAHLIA S. ANIN)
TATAASAN ng Department of Agriculture (DA) ang ayuda sa hog raisers sa bansa na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Mula sa dating P3,000 ay itataas ito sa P5,000.
“Pina-approve ko sa Gabinete na itataas namin yung P3,000 to P5,000 per head,” ani DA Secretary William Dar.
Maging ang mga nakatanggap na ng unang tulong noon ay mabibigyan din ng karagdagang cash assistance.
Nananawagan naman ang kalihim sa hog raisers na huwag nilang itago kung ang mga baboy nila ay apektado ng ASF at kakailanganin ito i-cull.
143