AYUDA SA NAPATAY NA OFW SA SAUDI

ofw

NANGAKO ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulungan ng ahensiya ang pamilya ng Pinoy worker na napatay sa saksak ng kapwa niya Pilipino sa Saudi Arabia.

“Gagawin naming ang lahat ng makakaya para matulungan ang pamilya at maiuwi sa bansa ang bangkay ni Monico Basco Manansala, ng Sasmuan, Pampanga,” ayon kay Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto.

Ang biktima ay nagtatrabaho bilang subcontractual sa Rimakl Alswahel Co. Hindi pa umano batid ang dahilan ng pagpatay sa biktima at hindi pa rin inilalabas ang pangalan ng Pinoy na nakapatay dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

5

Related posts

Leave a Comment